#WorldMaskWeek #MaskOfTheDay
Alamin kung sino ang mga dapat magsuot ng mask, kahit sa loob ng bahay! 🏠
Magsuot ng mask sa inyong mga tahanan kapag ikaw ay:
✅ kabilang sa vulnerable groups, tulad ng matatanda, may iba pang sakit, at mga buntis
✅ may sintomas
✅ nag-aalaga sa taong may sintomas
Kapag marunong sumunod at may disiplina, MASKi sino, BIDA! Let’s #BIDASolusyon sa COVID-19!
Kahalagahan ng Paghuhugas ng Kamay
Q: Bakit mahalaga ang paghuhugas ng kamay?
A: Naghuhugas tayo ng kamay upang panatilihing malusog ang ating sarili at ang ating mga mahal sa buhay, lalo na sa mga panahong maaaring makakuha at maikalat ang COVID-19 virus.
Dapat maghugas ng kamay:
✅ Bago, habang, at pagkatapos maghanda ng pagkain;
✅ Bago kumain;
✅ Bago at pagkatapos ng pag-aalaga sa taong may sakit;
✅ Matapos gamitin ang banyo; at
✅ Pagkatapos ng pag-ubo o pagbahing.
Ikaw, ako, tayo—we can all #BIDASolusyon sa COVID-19!
Sa Paggamit ng Face Masks laging TANDAAN:
Ang BIDA, alam ang tamang paggamit ng face masks!
Basta laging tatandaan:
✅ Surgical mask: Isang beses lamang pwedeng gamitin
✅ Cloth mask: Pwedeng hugasan at gamiting muli
Manatiling marunong sa #BIDASolusyon sa COVID-19!












